Bilang ng fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 9.1-M na

Umabot na sa higit 20.86 milyon ang bilang ng mga naiturok na bakuna kontra sa COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang araw ng Linggo (August 1, 2021), nasa kabuuang 20,863,544 na ang naiturok na bakuna laban sa nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 11,747,581 ang nabigyan ng first dose habang 9,115,963 ang naturukan ng second dose.

Nasa 523,018 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.

Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno na magpabakuna na upang maabot ang population protection.

Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.

Read more...