Donasyong 415,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine dumating sa Pilipinas

Photo credit: British Embassy Manila/Twitter

Dumating na sa Pilipinas ang mahigit 400,000 doses ng bakuna kontra sa COVID-19 na gawa ng AstraZeneca.

Lumapag ang eroplanong may dala ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado 4:00 ng hapon.

Nasa kabuuang 415,040 doses ng AstraZeneca vaccine ang ipinadalang donasyon ng gobyerno ng United Kingdom.

“A testament to the strong collaboration between the UK and PH on healthcare and #COVID19 response.” pahayag ng British Embassy sa Maynila sa Facebook.

Read more...