Dalawang bangka, naharang ng PCG dahil sa illegal fishing

Photo courtesy: Coast Guard Station Antique

Naharang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Caluya ang dalawang bangka na sangkot sa illegal fishing.

Nahuli ang dalawang bangka sa karagatang sakop ng Sibato Island sa Caluya, Antique noong Sabado, July 31, 2021.

Nakita ng PCG, kasama ang Philippine National Police (PNP) at Department of Agriculture (DA), ang MBCA JERRY ROSE-3 at MBCA JERRY ROSE-10 na gumagamit ng fine mesh nets at iba pang kagamitan upang takutin ang mga isda habang nangingisda.

Giit ng PCG, paglabag ito sa Municipal Ordinance Number 81-2014 Article 5 Section 34 kung saan nakasaad na ipinagbabawal ang paggamit ng mga naturang fishing gears sa karagatang sakop at iba pang fishery management areas ng Caluya.

Dinala naman ang boat captains na sin Melvin Operiano, 39-anyos, at Niño Andres, 33-anyos, sa Caluya Police Station para mas malalim na imbestigasyon at pagsasampa ng kahaharaping kaso.

Read more...