Sinimulan na ang konstruksyon ng bagong Mababang Paaralan ng Dr. Alejandro Albert sa Sampaloc, Maynila.
Pinangunahan nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna Pangan ang groundbreaking ceremony, Lunes ng umaga (August 2).
Kabilang ito sa tatlong itatayomg modernisadong paaralan kasama ang Mababang Paaralan ng Rosauro Almario sa Tondo at Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila.
Ayon sa alkalde, pangako nila sa lahat ng mga taga-Maynila ang pagpapaunlad sa mga pasilidad ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Aniya, “Building this school is our way of strengthening the public school system in the city and at the same time addressing the problem of teacher-student ratio.”
Kasama sa plano ng pagtatayo nito ang 234 silid-aralan, 16 opisina, isang silid-aklatan, isang kantina, isang awditoryum, isang gym, isang roof deck, dalawang basketball court, 10 elevator unit na kasya ang 24 tao bawat isa, at pitong hagdan.
Aabot sa P2 bilyon ang inilaang pondo para sa pagtatayo ng naturang paaralan.
“Kahit na patuloy tayong sinusubok ng pandemya, hindi namin kakalimutan ang education sector. Today is a testament to you. Patuloy nating papalakasin ang ating public education system,” saad ni Moreno.
Aniya pa, “Patuloy naming sisikaping maging mainam, masinop, at episyenteng mga lingkod bayan. We will continue to address the concern of our teachers and the future generation which is our students.”