Local Absentee Voting, simula na ngayon

 

Inquirer file photo

Simula na ngayong araw ng Miyerkules hanggang Byernes, April 27-29, ang Local Absentee Voting (LAV) para sa mga lehitimong botante na hindi makakaboto sa aktuwal na araw ng botohan sa May 9.

Ayon kay Committee on Local Absentee Voting head, Commissioner Rowena Guanzon, umaabot sa 24,814 na mga aplikasyon para sa Local Absentee Voting ang kanilang inaprubahan.

Kabilang sa mga maaring bumoto bilang Local Absentee Voter ay mga kawani ng gobyerno na may gagampanang responsibilidad sa mismong araw ng eleksyon.

Kabilang dito ang mga kawani ng gobyerno, mga alagad ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Maari ring bumoto bilang mga local absentee voters ang mga miyembro ng media na magiging abala sa pagbabantay sa araw ng eleksyon.

Sa mga LAV, tanging mga posisyon lamang ng presidente, bise-presidente, senador at partylist group ang kanilang maaring iboto gamit ang manual voting system.

Bibilangin ang lahat ng boto ng LAV ng Special Board of Election Inspectors sa pagtatapos ng botohan sa May 9.

Read more...