Bibisita si US Vice President Kamala Harris sa Vietnam sa susunod na buwan.
Si Harris ang unang vice president ng Amerika na bibisita sa Vietnam.
Layunin ng bisita ni Harris na makakuha ng international support para mapigil ang lumalakas na impluwensya ng China.
Ayon kay Spokesperson Symone Sanders, tatalakayin sa pagbisita ni Harris sa Vietnam ang usapin sa regional security, global response sa COVID-19, climate change, at pagsusulong ng rules-based international order.
Matatandaang dating magkaaway ang Amerika at Vietnam subalit nagkaisa para labanan ang pag-angkin ng China sa South China Sea.
Hindi naman tinukoy kung kailan ang eksaktong petsa ng pagbisita ni Harris sa Vietnam.
Bibisita rin si Harris sa Singapore.
MOST READ
LATEST STORIES