Drive-thru COVID-19 vaccination inilunsad sa Maynila

Photo credit: Mayor Isko Moreno/Facebook

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbubukas ng drive-thru COVID-19 vaccination facility sa Luneta Park.

Ayon kay Mayor Isko, bawal ang walk-in sa pagbabakuna.

Kailangan aniya ang online registration sa pamamagitan ng website na https://www.manilacovid19vaccine.ph

Ayon kay Mayor Isko, inilunsad ang drive-thru vaccination matapos bahain ang vaccination site sa San Andres Sports Complex.

Matatandaang binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lokal na pamahalaan dahil sa hinayaang mabaha sa pila ang mga nagpabakuna sa Maynila.

Sinabi pa ni Mayor Isko, na hindi titigil ang lokal na pamahalaan sa pagbabakuna dahil patuloy ang banta sa COVID-19.

Sa ngayon, nasa 18 milyong katao na ang nababakunahan sa Pilipinas.

 

Read more...