Tatlong dam nagpapakawala ng tubig

DOST PAGASA Facebook photo

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang tatlong dam sa bansa dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon sa Pagasa, bukas ng 0.15 meters ang gate ng Ipo Dam sa Bulacan.

Nasa 100.70 meters ang water level sa Ipo Dam at malapit nang maabot ang 101-meter normal high water level.

Bukas naman ng 2 meters ang apat na gate ng Ambuklao Dam sa Benguet.

Ayon sa Pagasa, nasa 751.26 ang water level sa Ambuklao at malapit nang maabot ang 752-meter normal high water level.

Bukas naman ng 2 meters ang apat na gate ng Binga Dam sa Benguet.

Nasa 574.46 meters ang water level ng Binga Dam at malapit nang maabot ang 575-meter normal high water level.

 

Read more...