Sen. Bong Go sinabing kalusugan ang ikinunsidera sa pagpapa-iral muli ng ECQ

Ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan ang pangunahing ikinunsidera ng gobyerno sa desisyon na muling pairalin ang enhanced community quarantine sa Metro Manila at ilang lalawigan.

Ito ang sinabi ni Sen. Christopher Go, ang namumuno sa Senate Committee on Health.

Aniya ang desisyon ay base sa pag-uusap ng mga bumubuo sa Inter-Agency Task Force (IATF) kasama ang mga lokal na opisyal at eksperto mula sa ibat-ibang sektor.

Umapila din si Go sa gobyerno na paglaanan ng sapat na pondo ang pagbibigay ng ayuda sa mga maapektuhan ng pinakamahigpit na quarantine restriction.

“Tandaan natin na may mga pamilyang pinapakain ang mga kababayan nating pansamantalang mawawalan ng kabuhayan, lalo na ang mga daily wage earners at mga isang kahig, isang tuka,” paalala ng senador.

Kasabay din nito, ang apila ni Go sa lahat na huwag sayangin ang ibinubungan ng pagkasa ng vaccination program.

 

Read more...