Magpapatuloy pa ang mga sesyon sa Senado, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.
Ayon kay Sotto sa susunod na linggo ay pag-uusapan nila ng mga kapwa niya senador ang kanilang gagawin sa pag-iral muli ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ilang lalawigan sa bansa.
Sa tatlong araw na sesyon, Lunes hanggang Miyerkules, ang Metro Manila ay nasa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions at ang pag-iral ng ECQ ay magsisimula sa araw ng Biyernes, Agosto 6 hanggang Agosto 21.
Isa aniya sa mga mapapag-usapan at pagdedesisyunan nilang mga senador ay ang pagkakaroon ng sesyon habang umiiral na ang ECQ.
Sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri maari na suspindihin ang sesyon mula Agosto 9 hanggang 12.
Noon lang Hulyo 26 nagbalik ang sesyon sa Senado kasabay nang simula ng 3rd Regular Session ng 18th Congress