47% ng mga Filipino walang bilib sa gobyerno sa isyu ng pakikipag-agawan ng teritoryo sa China

 

Halos kalahati ng mga Filipino ang naniniwala na kapos ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno sa isyu ng pakikipag-agawan sa China sa West Philippine Sea (WPS).

 

Sa Social Weather Station (SWS) survey, na isinagawa noong Hunyo 23 hanggang 26, 47 porsiyento sa 1,200 respondents ang nagsabi na hindi napapanindigan ng gobyerno ang karapatan sa WPS.

 

May 24 porsiyento naman ang naniniwala na sapat na ang ginagawa ng gobyerno at 29 porsiyento naman ang walang desisyon ukol sa pagkakapanalo ng Pilipinas laban sa China sa Permanent Court of Arbitration noong 2016.

 

Kabilang naman sa mga sinabing dapat gawin ng gobyerno ay palakasin ang kapabilidad ng puwersang-militar ng bansa, magsagawa ng joint-militart exercises kasama ang mga kaalyado ng Pilipinas at ipatupad ang mga nakasaad sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Visiting Forces Agreement (VFA).

 

Kabilang sa mga batikos sa administrasyong-Duterte ay ang ‘malambot’ na pagtindig laban sa China sa isyu ng agawan ng teritoryo.

 

Read more...