Suporta ni Pangulong Duterte sa pagbuo ng Disaster Resilience Department ipinagpasalamat ni Sen. Bong Go

Labis na ikinalugod ni Senator Christopher Go na sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ay pinahalagahan ang mga panukala na isinusulong niya sa Senado.

Isa na rito ang Senate Bill No. 205, na layon magkaroon ng Department of Disaster Resilience.

“Naiintindihan po ni Pangulong Duterte na iba’t ibang krisis at sakuna ang hinaharap ng mga Pilipino bawat taon. Kung gaano kabilis makasira ng pamumuhay ang mga di inaasahang pangyayaring ito, mas mabilis dapat ang aksyon ng gobyerno upang mapaghandaan at maprotektahan ang buhay at kapakanan ng mga Pilipino,” sabi ni Go.

Sinabi ni Go layon ng kanyang panukala na mapag-isa na ang lahat ng responsibilidad mula sa paghahanda at pagtugon sa anumang kalamidad.

“Bago pa dumating ang bagyo, mayroon na hong makikipag-coordinate sa LGUs, preposition of goods at ilikas po ang mga kababayan natin sa ligtas na lugar. At pag-alis ng bagyo, restoration of normalcy kaagad, maibalik kaagad sa normal ang pamumuhay ng mga kababayan natin. ‘Yan po ang layunin ng Department of Disaster Resilience,” paliwanag ng senador.

Read more...