Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (July 29), pumalo na sa 1,572,287 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 56,273 o 3.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,735 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
93.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.2 porsyento ang asymptomatic; 1.61 porsyento ang moderate; 2.3 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 176 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 27,577 o 1.75 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 4,069 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,488,437 o 94.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.