Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ito ay upang matiyak na makaboto ang mga residente roon dahil sa takot sa mga armadong grupo.
Dahil dito, maging ang administrative control sa paglalabas ng pondo sa bayan ng Pantar ay hawak na ng Comelec.
Magtatalaga rin anya ang komisyon ng election officer na mangangasiwa sa lugar at si Comelec Commissioner Al Pareño naman ang mamumuno sa komite.
Bukod dito, sinabi ni Guanzon na marami pang mga request sa kanila na maisailalim sa Comelec control partikular na ang mayroong presensya ng New People’s Army at private armed groups.
Ikinikonsidera anya nila ang Marawi at ang Northern Samar na mailagay sa kontrol ng Comelec.