Tatlong dayuhang bihag ng ASG nakausap ni Red Cross Chairman Gordon

kidnapped victimisInihayag ngayon ni Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon na nakausap niya ang tatlong dayuhang bihag ng Abu Sayyaf Group.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, ilang buwan na ang nakalipas ay tumawag sa kanya ang mga ASG at sinabi na pakiusapan ang Canadian government na bayaran ang ransom para sa mga hostage na nagkakahalaga ng tatlong bilyong piso.

Ayon kay Gordon, sinabi niya na hindi papayag ang Canadian government sa kagustuhan ng mga ito pero sinabihan anya nito na ipakausap sa kanya ang tatlo at kinabukasan ay muling tumawag ang ASG at nakausap niya ang mga bihag.

Nang makausap anya niya ang tatlong bilang ang hiniling ng mga ito ay kausapin ang kanilang gobyerno at ibigay ang hiling ng mga bandido para makalaya sila.

Samantala, ikinuwento ni Gordon na natanggap niya ang impormasyon sa pamamagitan ng text na may pinugutan ng ulo sa Sulu kahapon ng hapon pero hindi niya ito pinansin hanggang sa dakong 7:33 kagabi ay muli siyang nakatanggap ng text message at sinabing may itinapong pugot na ulo sa harap ng munisipyo ng Jolo, Sulu na kalapit lamang sa tanggapan ng Red Cross.

Wala anyang kuryente nang mangyari ang pagtatapon ng pugot na ulo at nang bumalik ang suplay ng kuryente dakong 8:30 kagabi ay nakita na maputi ang mukha ng biktima na parang isang Canadian.

Dumating anya ang mga pulis at nagkaroon na ng news blackout dahil sa maging ang kanilang mga tauhan sa Red Cross ay hindi na pinapasok sa lugar.

Nagpahayag din ito ng pagkundena at pakikiramay sa pamilya ng pinaslang na Canadian national.

Itinanggi naman ni Gordon na siya ang nagbigay ng impormasyon kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau sapagkat bukod sa wala siyang contact dito hindi niya nito gagawa ng labag sa bansa.

Read more...