Reaksyon ito ni Communication Secretary Sonny Coloma sa pagbabawal ng dalawang bansa sa kanilang mga citizen na bumiyahe sa Southern Philippines dahil sa serye ng kidnapping ng Abu Sayyaff Group.
Ayon kay Coloma “It may be well to note that the issuance of travel advisories is within the discretion of the officials of a particular country, to serve as guidance to their own citizens travelling abroad.
Kaugnay nito, tiniyak ni Coloma na ang pamahalaang Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ay ginagawa ang lahat para masiguro ang kaligtasan hindi lamang ng mga pilipino kundi pati ng mga turista na bumibisita sa bansa.
Sa travel advisory ng dalawang bansa, binalaan nila ang mga mamamayan nila at pinayuhang huwag magtutungo sa southern Philippines.
Ayon sa U.S. State Department, mabubting iwasan na lamang muna ang pagtungo sa Mindanao region dahil sa banta ng pagdukot sa mga dayuhan.