Mga residente sa mga lugar na nasa ECQ, makakatanggap muli ng financial aid

Photo grab from PCOO Facebook video

Makatatanggap ng panibagong pinansyal na ayuda ang mga residente na naninirahan sa mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, P1,000 hanggang P4,000 kada pamilya ang maaring ibigay sa mga apektadong residente.

Ipinatupad ang ECQ sa Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City sa Misamis Oriental hanggang sa August 7.

Ayon kay Roque, dina-download na ang pondo sa local government units para maipamahagi sa mga residente.

Matatandaang kaparehong halaga ang ibinigay ng pamahalaan nang isailalim sa ECQ ang NCR Plus o Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal noong Marso.

Read more...