Bukod dito, nagpaabot din pakikisimpatya ang DFA sa pamilya ni John Ridsdel.
Sa inilabas na statement ng DFA, sinabi nito na nakikiisa sila sa pamilya ng nasawi gayundin sa mga mamamayan at pamahalaan ng Canada sa pagluluksa dahil sa karahasan.
Sinabi ng DFA na hindi makatao ang ginawa ng mga terorista sa biktima at iginiit ang kanilang mahigpit na pagtutol sa terorismo.
Sinusuportahan din anila ng DFA ang mga awtoridad na ginagawa na ang lahat para mailigtas ang iba pang bihag at mapanagot ang mga nasa likod nito.
MOST READ
LATEST STORIES