Sa isinagawang pre-deployment conference ipinagbilin ni Marquez sa kanyang mga opisyal na dapat makita ang mga ito sa lansangan isang linggo bago pa sumapit ang araw ng botohan.
Nais din nito na makatanggap ng regular updates mula sa mga opisyal hinggil security situation sa ground.
Sinabi ni Marquez na kailangang lumabas at mag ikot-ikot ang mga opisyal upang maiparamdam ang kanilang presensiya mula sa paghahatid ng mga vote counting machines o VCMs sa ibat ibang lugar, sa mga insidente ng pagtesting ng VCM, sa mismong araw ng eleksyon, gayundin sa pagbabalik ng mga VCMs sa mga tamang lugar para sa canvassing at sa panahon ng deklarasyon ng mga nanalo.
Ang pag-paplantsa aniya sa mga security preparation ang makapagbibigay katiyakan at kumpiyansa na sadyang nakahanda na ang PNP para sa eleksyon sa Mayo.