Angat ng 12 points si Duterte kay Poe sa bagong Pulse Asia survey

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Nangunguna pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil sa 12-point lead nito kay Senator Grace Poe batay sa bagong Pulse Asia “Pulso ng Bayan” Survey.

Sa survey na ginawa mula April 16 hanggang 20, nakakuha si Duterte ng 35 percent habang 23 percent ang nakuha ni Poe.

Sumunod si dating DILG Secretary Mar Roxas na may 17 percent at si Vice President Jejomar Binay na may 16 percent habang si Senator Miriam Defensor-Santiago ay may 2 percent.

Ayon sa Pulse Asia, si Duterte pa rin ang nanguna sa presidential race sa kabila ng batikos dahil sa kanyang biro sa paggahasa at pagpatay sa isang australian missionary noong 1989.

Nanguna si Duterte sa Metro Manila, Visayas at Mindanao habang si Poe ang number one sa balance Luzon.

Top choice rin ang alkalde sa lahat ng social classes.

Read more...