Sinabi ni Felix Lopez, Cebu Pacific Vice President for People Department, 51 porsiyento na sa kanilang higit 2,000 opisyal at empleado ang nabakunahan na dahil sa vaccination rollout ng mga lokal na pamahalaan.
Ikinasa ang programa kasabay ng banta ng mapanganib na Delta variant ng 2019 coronavirus sa bansa.
Aniya ang pagpababakuna sa kanilang mga empleado ay bahagi ng COVID Protect Porgram ng Gokongwei’s Group.
Sinabi ni Lopez na kumpiyansa sila na pagsapit ng Oktubre ay ‘fully vaccinated’ na ang lahat ng kanilang mga empleado.
Pagdidiin nito, nang magsimula muli ang kanilang limitadong operasyon, naghigpit na sila ng husto sa kanilang health and safety protocols sa pagbiyahe ng kanilang mga eroplano, para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga piloto at flight crew, kundi maging ng kanilang mga pasahero.
Sinang-ayunan din ni Lopez na kapag bakunado na ang maraming empleado sa industriya ay mas mapapabilis ang pagpapasigla muli sa sektor ng turismo.
Naibahagi din na naibiyahe na ng Cebu Pacific ang higit 14 million doses ng Sinovac COVID 19 vaccine mula sa China patungo, gayundin ang higit apat na milyong doses sa 21 lalawigan naman ng Pilipinas.