Kinupirma mismo ni Senator Richard Gordon na taglay niya ngayon ang 2019 coronavirus.
Sinabi ni Gordon na pasado hatinggabi kanina nang ipaalam sa kanya ang resulta ng kanyang RT-PCR test na isinagawa sa Philippine Red Cross molecular laboratory.
Paniwala ni Gordon na asymptomatic siya at aniya pakiramdam niya ay sisipunin siya.
Pinayuhan siya ng kanyang doktor na ipasuri ang kanyang baga at dugo sa ospital bagamat aniya pinagsabihan din siya na mag-isolate sa bahay.
Ibinahagi ng senador na napansin niya nitong mga nakalipas na araw na palagi siyang inaantok at may pagkakataon na nakakatulog siya habang nakikipag-pulong.
Pagdidiin niya palagi naman siyang nag-iingat at madalas din siya mag-COVID 19 test.
Idinagdag pa nito na may naka-usap siyang isang maintenance worker na may suot na mask, ngunit siya ay wala.
Bagamat ‘virtually’ ay nakadalo pa si Gordon sa pagbubukas ng sesyon ng Senado sa 3rd Regular Session ng 18th Congress noong Lunes.
Sa mga senador, una nang tinamaan ng COVID 19 sina Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sens. Sonny Angara, Ramon Revilla Jr., at Ronald dela Rosa.