BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa bansa, lagpas 1.56-M na; 4,478 ang nadagdag

Mahigit 4,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (July 28), pumalo na sa 1,566,667 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 54,552 o 3.5 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,478 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

93.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.2 porsyento ang asymptomatic; 1.64 porsyento ang moderate; 2.3 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 84 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 27,401 o 1.75 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 6,149 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,484,714 o 94.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...