Anim na kalsada, sarado dahil sa malakas na buhos na ulan

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dalawang bagong road closure sa Ilocos Norte at Cavite, dagdag pa ito sa apat na hindi pa madadaanang kalsada sa Cordillera Administrative Region, Region 3 at 4-B bunsod ng Southwest Monsoon.

Tinukoy ni DPWH Secretary Mark Villar ang mga apektadong kalsada: Manila North Road, K0578+800 sa Barangay Pancian, Sitio Bangquero, Pagudpud, Ilocos Norte dahil sa landslide at Mahogany Avenue, K0059+(-990) sa Tagaytay City, Cavite bunsod ng natumbang poste.

Naglagay ang DPWH Ilocos Norte 1st District Engineering Office (DEO) Quick Response Team ng warning signs at nagsasagawa na ng clearing operation sa Pagudpud.

Nakipag-ugnayan naman ang DPWH Cavite 2ndDEO sa utility company para sa pag-alis ng natumbang poste ng kuryente sa Tagaytay City.

Nananatili namang sarado hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (July 28), ang Baguio-Bontoc Road K0362+600, Busa Bridge, Sabangan, Mt. Province; Abra – Kalinga Road, K0489+900 section sa Gacab, Malibcong, Abra; Junction Layac Balanga Mariveles Port Road Zigzag Section K0160+000 sa Bataan at Mindoro West Coastal Road, K0353+900, Pag-asa Section, sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Nananatili namang baha sa bahagi ng Apalit Macabebe Masantol Road, K0062+600 – K0063+400, sa Calsada Bayu, Sta. Lucia Matua, Masantol at Sto Tomas – Minalin Road (Minalin- Macabebe Section), K0072+500-k0073+300.

Read more...