275 pang pulis, naka-recover na sa COVID-19; Isa nasawi

Nasa 68 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (July 28), 30,010 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 917 ang aktibo pang kaso.

275 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 29,012 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 81 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...