Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 196 milyon

Pumalo na sa 196 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 196,001,848 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 35,353,923 cases.

Sumunod na rito ang India na may 31,484,605 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 19,749,073 naman ang kaso sa Brazil habang 6,172,812 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 6,026,115
– United Kingdom – 5,745,526
– Turkey – 5,638,178
– Argentina – 4,875,927
– Colombia – 4,747,775
– Spain – 4,368,453
– Italy – 4,325,046
– Germany – 3,766,482
– Iran – 3,758,197
– Indonesia – 3,239,936

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,193,287 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 177,687,703 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...