Higit P.5M halaga ng shabu at marijuana nakumpiska sa PDEA operations sa Angeles City

(PDEA photo) Nagkasa ng mga magkakahiwalay na buy-bust operations ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Angeles City, Pampanga. Base sa impormasyon mula sa PDEA Region 3, aabot sa P530,000 ang halaga ng mga nakumpiskang marijuana at shabu sa mga ikinasang operasyon. Sa operasyon sa Barangay Sta Trinidad nasamsam ang iba’t-ibang  drug paraphernalia at 25 gramo ng shabu. Naaresto naman sina Rodel Cayetano, Andrew Salangsang, Christopher Pangan, Ricardo Molina Jr., at Raquel Molina. Sa Barangay Salupungan ay nakumpiska ang tatlong bricks ng pinatuyong marijuana at nahuli sina Jonas Jay Bongal,  Josepio Paras at Kiel Karl Batao y Macapinlac. Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto.

Read more...