Tokyo Olympics bronze medal kay Filipino boxer Nesthy Petecio sigurado na

Nangangamoy ginto.

Ito ay matapos talunin ng Pinay boxer na si Nesthy Petecio ang kalabang boksingero ng Colombia na si Arias Castaneda sa 2020 Tokyo Olympics.

Dahil tinalo ni Petecio si Castaneda sa women’s featherweight quarterfinals sa pamamagitan ng unanimous decision, siguradong kuha n anito ang bronze medal.

Sa Sabado, muling sasabak sa ring ang 29-anyos na si Petecio para sa gold medal round.

Matatandaang una nang nakasungkit ng gintong medalya ang Pilipinas sa Tokyo Olympics dahil sa Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz.

 

 

Read more...