Dahil sa pagbibigay karangalan at inspirasyon sa bansa at sambayanan, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na nararapat lang na bigyan ng promosyon at gawin ng opisyal si Hidilyn Diaz ng Philippine Air Force (PAF).
Ayon kay Lacson ang pag-komisyon kay Diaz ay naaayon pa rin sa mga batas at regulasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
“As chairman of the Senate Committee on National Defense and Security, I would strongly recommend to the AFP leadership that she be given a rank as a commissioned officer of the PAF. It’s the least the service can give her,” sabi ni Lacson.
Naniniwala ang senador na magiging mabuting opisyal at ehemplo si Diaz sa mga kapwa niya sundalo.
Diin ni Lacson makatuwiran lang na itaas ang ranggo ng kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist dahil binigyan nito ng dahilan ang sambayanan na magdiwang sa kabila ng pagharap sa pandemya.
“She makes us Filipinos very, very proud,” sabi pa ng senador.