Paluan, Occidental Mindoro at General Santos City niyanig ng lindol

Phivolcs Facebook photo

 

Niyanig ng 3.7 magnitude na lindol ang Paluan, Occidental Mindoro kaninang 7:12 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol.

Naitala ang Instrumental Intensity 1 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, Calatagan, Batangas at Tagaytay City, Cavite.

Niyanig din ng 3.5 magnitude na lindol ang Glan, Sarangani kaninang 4:31 ng umaga.

Naitala naman ang Instrumental Intensity 1 sa General Santos City, South Cotabato.

Wala namang naiulat na nasirang ari-arian sa magkasunod na lindol.

 

Read more...