“We changed the game.”
Ito ang naging pahayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa mga ikinasang hakbang sa kagawaran.
Matapos ang limang taong pamamalakad sa Department of Transportation (DOTr), sinabi ng kalihim na naging matagumpay ang ginawa nilang ‘transformation’.
“And this is not just a transformation of the transport infrastructure landscape. This is about the Transformation in the way we do things—our culture,” pahayag ni Tugade.
Simula 2016, natapos ng kagawaran ang 214 airport projects, habang 100 pa ang nagpapatuloy. Kabilang dito ang bagong Terminal Building ng Clark International Airport, Mactan-Cebu International Airport, Bohol-Panglao International Airport, Sangley, Kalibo, Dumaguete, Ormoc, Tuguegarao, Camiguin, Tacloban, General Santos, Catanduanes, Zamboanga, Calbayog, CNS/ATM, Camiguin, at iba pa.
Pagdating naman sa Maritime sector, naisaayos ang 451 seaport projects habang 101 pang proyekto ang minamadali na ang pagtatapos.
Itinulak din ang modernisasyon sa Philippine Coast Guard, pagdating sa assets at tauhan, at maging sa digitization ng port systems sa pamamagitan ng Philippine Ports Authority.
Sa Road sector naman, natapos ang halos 500 kilometrong bike lane networks sa Metro Cebu, Metro Davao at Metro Manila; Paranaque Integrated Terminal Exchange, at EDSA Busway.
Maliban dito, naipatupad din ang kauna-unahang Service Contracting Program.
Pagdating naman sa Railways sector, nakumpleto na ang konstruksyon ng LRT-2 East Extension, habang tinatapos naman ang LRT-1 Cavite Extension, Common Station, Metro Manila Subway, MRT-7, MRT-3 Rehabilitation, North-South Commuter Railway (Calamba to Clark), PNR Bicol, at Mindanao Railway.
“But more than the accomplished programs, tangible assets, infrastructure, and initiatives, we are most proud of the culture of accountability, transparency, and commitment that we were able to cultivate and nurture among our employees,” saad ni Tugade.
Aniya pa, “I consider an execution of the shared values, like the value of punctuality, as a strong foundation for our success. Equally important is our uncompromising drive against corruption and red tape.”
Dahil sa walang tigil na pagkakasa ng mga proyekto, sinabi ng kalihim na masasabi nilang nakagawa sila ng paraan para maisakatuparan ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng komportableng pamumuhay sa mga Pilipino.