Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (July 26), pumalo na sa 1,555,396 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 55,140 o 3.5 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 6,664 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
93.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.1 porsyento ang asymptomatic; 1.61 porsyento ang moderate; 2.3 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 23 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 27,247 o 1.75 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 5,766 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,473,009 o 94.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.