Pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr) ang inagurasyon ng 313-kilometer Metro Manila Bike Lane Network sa Roxas Boulevard, Manila araw ng Martes, July 27, 2021.
Ito ay bahagi ng 497-kilometer bike lane network, kung saan kasama ang Metro Cebu at Metro Davao.
Ang pagtatatag ng bike lanes ay parte ng mga hakbang ng kagawaran, sa ilalim ng pamumuno ni Transportation Secretary Arthur Tugade, na itaguyod ang aktibong transportasyon bilang karagdagang paraan ng pagbiyahe sa gitna ng pandemya.
Masisiguro rin nito ang kaligtasan ng mga pedestrians at siklista.
Pinondohan ang Metro Manila Bike Lane sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o Bayanihan to Recover as One Act of 2020.
MOST READ
LATEST STORIES