BREAKING: Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 56,000; 7,186 ang bagong napaulat

Mahigit 7,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (July 27), pumalo na sa 1,562,420 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 56,477 o 3.6 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 7,186 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

93.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.1 porsyento ang asymptomatic; 1.58 porsyento ang moderate; 2.3 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 72 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 27,318 o 1.75 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 5,672 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,478,625 o 94.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...