“Full force of the law” vs Abu Sayyaf iniutos ni PNoy matapos ang pagpatay kay Ridsdel

john-ridsdelIpinag-utos ni Pangulong Benigno Aquino III ang paggamit ng buong pwersa ng batas para mapanagot ang Abu Sayyaf group na pumatay sa Canadian na si John Ridsdel.

Kasabay nito ay nagparating na ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamahalaan ng Canada at sa pamilya ni Ridsdel na pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf.

Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma na ipinag-utos na ni Pangulong Aquino na gamitin ang lahat ng pwersa para iharap sa hustisya ang mga kriminal na may kagagawan nito.

Ayon kay Coloma, itutuloy ng pinagsanib na PNP-AFP task force sa isinagawa nitong military at law enforcement operation laban sa bandidong grupo.

Layon aniya nito na ma-neutralize ang grupo at mapigil ang iba pang banta sa seguridad at kapayapaan.

 

Read more...