Biyahe ng LRT-1 naapektuhan ng sunog sa Maynila

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Tinatayang aabot sa P1.5 milyon ang halaga ng ari-arian ang napinsala sa sunog na tumupok sa Martinez Building sa Rizal Avenue kanto ng Gonzalo Puyat, sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Fire Supt. Jaime Ramirez – Fire Marshall ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa Mezzanine ng Audio City Marketing Company alas 8:57 ng umaga.

Ang natupok na establisyimento ay pag-aari ni James Tan.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na ideneklarang fire under control dakong 10:12 ng umaga

Dahil sa malakas at maitim na usok pansamantalang inihinto ang operasyon ng LRT 1.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy sa insidente.

 

Read more...