Ansarap maging Filipino! Mga senador todo-puri kay Hidilyn Diaz, Senate commendation ibibigay

Dahil sa parangal na ibinigay sa bansa sa pagkakapanalo niya ng unang Olympic gold medal para sa Pilipinas, hiniling ng ilang senador na bigyan komendasyon si weightlifter Hidilyn Diaz.

 

“Salamat, Hidilyn! Ang iyong tagumpay ang pumawi sa lungkot ng ating bansa. Binuhat mo kami at ang bayan sa iyong mga braso para patunayan na anuman ang pagsubok, gaano man kalaki, kayang lampasan at pagtagumpayan,” ang mensahe ni Senator Leila de Lima kay Diaz.

 

Sinabi pa nito na ang sarap ng pakiramdam na ibinigay ng gintong medalya ay katulad ng naramdaman ng manalo ang Pilipinas kontra China sa Permanent Court of Arbitration noong 2016.

 

Samantala, naghain ng magkakahiwalay na resolusyon sina Senate President Vicente Sotto III, Senate Minority Leader Frank Drilon, Sens. Risa Hontiveros at Lito Lapid para mabigyan ng parangal at pagkilala sa Senado si Diaz.

 

“Hidilyn Diaz deserves to be exalted as one of the country’s most accomplished athletes after earning several medals in different international sporting events,” sabi ni Sotto sa kanyang Senate Resolution No. 793.

 

“Diaz has brought joy, honor and pride to the country and has lifted the hopes of an entire nation amid the uncertainties and challenges that we face today. [D]espite being linked in 2019 to alleged destabilization efforts, Diaz remained focused on her goal of bringing honor for her beloved country,” sabi naman ni Drilon sa kanyang  Senate Resolution No. 799.

 

Nagsama-sama naman sa iisang resolusyon, Senate Resolution No. 781, na may katulad na layon, sina Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sens. Sonny Angara at Francis Tolentino.

 

“The entire nation celebrates with Hidilyn for bringing home the elusive gold medal in the Olympics. This comes at a time when we are all longing for some good news,” sabi naman ni Angara, ang pangunahing awtor ng RA 10699 o ang National Athletesand Coaches Benefits and Incentives Act.

 

Read more...