Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (July 27), 29,948 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,125 ang aktibo pang kaso.
120 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 28,743 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 80 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES