“Corruption is endemic.”
Ganito tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang korupsyon sa gobyerno.
Sa kaniyang huling State of the Nation Address (SONA), binanggit ng Pangulo ang ‘pastillas’ scheme kung saan ilang immigration personnel ang tinanggal niya sa tungkulin.
Kasunod nito, pinayuhan ng Punong Ehekutibo ang susunod na mahahalal na presidente na magdeklara ng martial law sa bansa upang matigil ang korupsyon sa gobyerno.
“Nobody can stop corruption unless you overturn the government,” pahayag nito.
Dagdag nito, “If I were the next president, if you think there is a need to change everyone in the system. You declare martial law then fire everybody.”
MOST READ
LATEST STORIES