Bilang ng fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 6.0-M na

Umabot na sa higit 17.20 milyon ang bilang ng mga naiturok na bakuna kontra sa COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang araw ng Lunes (July 25, 2021), nasa kabuuang 17,202,421 na ang naiturok na bakuna laban sa nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 11,113,107 ang nabigyan ng first dose habang 6,089,314 ang naturukan ng second dose.

Nasa 300,880 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.

Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno na magpabakuna na.

Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.

Read more...