Ayon sa kagawaran, hangga’t maaari ay huwag nang pisikal na dumalo at makiisa lamang sa pamamagitan ng social media at iba pang online platform.
Sinabi ng DOH na kinikilala nila ang karapatan ng paghahayag ng sarili ngunit giit nito, kailangang tutukan ang kaligtasan laban sa COVID-19.
Ipinaalala rin ng DOH na kung lalabas, tiyaking palaging suot nang tama ang face mask at face shield, at ugaliin ang paghuhugas ng kamay at pag-sanitize ng mga gamit na madalas hawakan ng tao.
Siguraduhin din anilang may isang metrong laro ang bawat tao sa pagtitipon at tiyaking maayos ang daloy ng hangin sa lugar kung saan gaganapin ang pagtitipon.
Kung mayroong nararamdamang sintomas ng nakakahawang sakit, pinayuhan ng DOH na huwag nang dumalo.
Ilan sa mga kailangang bantayang sintomas ng mga dadalo sa pagtitipon ay pagkakaroon ng lagnat o pananakit ng ulo, ubo, panghihina, pagkawala ng panlasa at pang-amoy, pananakit ng katawan, pananakit ng lalamunan, baradong ilong, pamumula ng mata, pagdudumi, at pamamantal sa balat.
Sakaling makaranas nito, agad sumailalim sa quarantine at makipag-ugnayan sa BHERT o One COVID Referral Center.