Security protocols, mahigpit pa ring ipinatutupad

Mahigpit pa ring ipinatutupad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang health at security protocols, ilang oras bago ang ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matapos mag-adjourn ang sesyon, agad na nagsagawa ng disinfection sa plenaryo ng Kamara.

Nakasuot ng PPE ang mga nag-disinfect.

Mayroon namang nakalagay na alcohol sa bawat lamesa ng mga mambabatas.

Sa ngayon, may ilan pang sumasailalim sa COVID-19 antigen testing.

Sakaling mayroong magpositibo, hindi ito papayagang makapasok at pauuwiin o dadalhin sa pinakamalapit na ospital.

Mayroon ding nakatalagang security personnel kasama ang K9 unit na nag-iinspeksyon sa loob ng session hall bilang bahagi ng security protocols sa SONA ng Punong Ehekutibo.

Inaasahang mas hihigpitan ang seguridad dakong 2:00 ng hapon bilang paghahanda sa pagdating ng Pangulo sa Batasan Complex.

Read more...