Huling SONA ni Pangulong Duterte, magiging emosyonal

Photo grab from PCOO Facebook video

Ibinunyag ng Palasyo ng Malakanyang na magiging emosyonal ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bandang 4:00 ng hapon sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito na kasi ang farewell speech o pamamaalam ng Pangulo.

Ayon kay Roque, pasasalamatan ng Pangulo ang taong bayan dahil sa suporta na ibinigay sa kanyang administrasyon.

Makasaysayan kasi aniya ang pagkakapanalo ng Pangulo noong 2016 Presidential elections kung saan nakapagtala siya ng pinakamalaking winning margin.

Kasabay nito, hihilingin din ng Pangulo sa publiko ang kooperasyon lalo’t nahaharap pa ang bansa sa pandemya sa COVID-19.

Read more...