SONA speech ni Pangulong Duterte, binago pa

Photo grab from PCOO Facebook video

Nagkaroon pa ng last rehearsal si Pangulong Rodrigo Duterte sa araw ng Linggo, July 25, para sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) na gaganapin bandang 4:00 ng hapon sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may mga binago pa si Pangulong Duterte sa laman ng kanyang SONA.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Roque kung anong partikukar na bahagi ng talumpati ng Pangulo ang binago.

Sa pagkakaalam ni Roque, wala nang babaguhin ang Pangulo sa kanyang SONA speech sa araw ng Lunes, July 26.

Una rito, sinabi ni PTV general manager Kat de Castro na kung pagbabasehan ang rehearsal ng Pangulo, aabot lamang sa 45 na minuto ang SONA.

Read more...