Sinabi ng senador na ang hakbang ay para mapigilan ang pagkalat pa ng kaso ng Delta variant sa bansa kasunod na rin ng kumpirmasyon ng DOH na may local transmission na ng mas mapanganib na klase ng COVID 19.
Kayat mas pinag-iingat ni Go ang publiko at panawagan niya sa awtoridad higpitan pa ang pagpapatupad ng health and safety protocols.
“Dito naman sa atin, dapat mas higpitan ang pagpapatupad ng mga kasalukuyang health and safety protocols, katulad ng tamang pagsusuot ng mask at face shield, palaging paghuhugas ng kamay, pagsunod sa social distancing at hindi paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan,” sabi pa nito.
Dagdag pa ni Go kinakailangan din na paigtin pa ng husto ang pagsasagawa ng contact tracing at taasan ang kapasidad ng mga pasilidad pangkalusugan.