Stephen Curry, posibleng ‘di pa makalaro sa game 5

CurrySumailalim na kahapon sa MRI procedure si Golden State Warriors Guard Stephen Curry.

Ito ay matapos madulas si Curry sa 1st half ng game 4 sa laban nila sa Houston Rockets na nagresulta sa injury sa tuhod.

Sa official twitter account ng Warriors, lumitaw sa MRI na si Curry ay mayroong Grade 1 MCL sprain sa kaniyang kanang tuhod.

Sinabi ng Warrios na kinakailangan pang isailalim sa re-evaluation si Curry sa susunod na dalawang linggo para matignan ang kaniyang injury.

Si Curry ay bigo nang makalaro sa game 2 at game 3 dahil naman sa kaniyang ankle injury.

Kababalik lamang niya sa laro sa game 4 kahapon nang siya ay madulas at masaktan ang kanang tuhod.

 

 

 

Read more...