Hybrid session pa rin sa Senado; 14 senators dadalo sa pagbubukas ng 3rd Regular Session

 

Magiging hybrid pa rin ang sesyon sa Senado sa pagsisimula ng 3rd Regular Session ng 18th Congress ngayon araw.

Inaasahan din na 14 na senador ang ‘physically present’ sa pagbubukas ng sesyon at ang iba naman ay ‘virtually present.’

Nabatid na limatado pa rin ang papasukin sa Senate Building dahil sa paghihigpit sa health protocols and regulations kayat wala pa rin bisita ang papasukin sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Ang mga kapamilya ng mga senador, ang mga dating senador at opisyal ng gobyerno ay hindi rin makakapasok sa Session Hall.

Mga piling empleado lang ng Senado at limitadong bilang din ng staff ng mga ‘physically present’ na senador ang papayagan sa Session Hall.

Tulad ng nakagawian, magkakaroon ng photo session ang mga senador na nasa Session Hall.

Pagkatapos naman ng sesyon sa umaga, pangungunahan ni Sotto ang pagpunta ng mga senador sa Batasang Pambansa para sa joint session ng dalawang Kapulungan ng Kongreso kasabay ng huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Duterte.

Read more...