Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na maaring nagkahalo-halo na ang mga impormasyon na nakakarating kay Pangulong Duterte nang punahin niya ang diumanoy pahayag ng una ukol sa ‘underspending’ sa Bayanihan fund.
Paglilinaw ni Lacson ang kanyang binanggit sa talumpati sa pagtitipon ng isang civic group noong nakaraang Biyernes ay ukol sa underspending ng gobyerno mula 2017 hanggang 2019 o bago pa magsimula ang nararanasang pandemya.
Ayon kay Lacson nakakatiyak siya na wala siyang sinabi na underspending sa Bayanihan fund dahil wala siyang hawak na anumang datos ukol dito at hindi siya nagbibigay ng anumang pahayag sa isyu na wala siyang basehan.
Ngunit sinabi ng senador kailangan pa rin ng tamang paggasta sa bahagi ng gobyerno.
“Our national debt has ballooned to P11.07 trillion as of end-May. Each one of us, even those newly born, is in debt by P100,000. We must make sure taxpayers’ money will be used judiciously,” diin niya.
Pahiwatig pa nito, hindi din dapat pinaghahalo ang negosyo at kalusugan sa bahagi ng gobyerno lalo na sa ‘extreme emergency’ ang bansa tulad ng pandemya.