“Goodbye, Duterte!” sa pre-SONA protest action sa Commonwealth Avenue

Nagpaalam na kay Pangulong Duterte ang mga miyembro ng Akbayan Partylist sa pamamagitan ng pagbuo ng salitang ‘ GOODBYE DU30!’ sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

 

Ang aksyon ay paggunita na sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Lunes, Hulyo 26.

 

Bukod dito, nagbibit din ng malalaking kahon sa pagtitipon bilang simbolo na kinakailangan nang umalis agad sa puwesto ni Pangulong Duterte sa pagtatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30 sa susunod na taon.

 

“Goodbye and good riddance, Mr. Duterte. Sawang-sawa na ang taumbayan sa iyong diktaturya, kapalpakan, kabastusan at karahasan. It’s time for you to say goodbye to the Presidential Office which you have besmirched and abused, and face accountability for your crimes against the people,” sabi ni Akbayan spokesperson Dr. RJ Naguit.

 

Diin ni Naguit sa pagsisimula pa lang ng administrasyong-Duterte noong 2016 lumala ang mga paglabag sa mga karapatang-pantao, gayundin ang pangmamaliit sa integridad ng Pilipinas sa isyu ng pakikipag-agawan ng teritoryo sa China.

 

Binanggit din niya ang mga kapalpakan ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya dulot ng COVID 19.

“We say, no more! Time’s up, Mr. Duterte. Game over. The people don’t want a Duterte continuity. What we demand is justice and accountability,” diin pa ni Naguit.

Read more...