Three-month weekend inspections isasagawa sa MRT Line 3

Simula bukas, Hulyo 24 hanggang sa Setyembre ay magsasagawa ng on-foot inspections ang pamunuan ng MRT Line 3 sa kanilang mga istraktura.

Sa inilabas na abiso ng MMDA, bukas sa ganap na ala-6 hanggang alas-10:30 ng umaga ay sisimulan ang inspections sa ground level, sa ilalim ng viaduct at sidewalk ng MRT 3.

Ipagpapatuloy ito sa Hulyo 31, Agosto 7, 14, 21 at 28 at Setyembre 4,11, 18 at 25.

Samantala, ang pagsusuri sa mga pier coping beam at bottom slabs, kasama na ang bearings, girders, expansion joints at diaphragm ay gagawin alas-11 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling araw sa Agosto 31 hanggang Setyembre 3, Setyembre 6 hanggang 10, Setyembre 13 hanggang 17, Setyembre 20 hanggang 24, Setyembre 27 hanggang Oktubre 1 at Oktubre 2 hanggang 7.

Sinabi na isasagawa ang inspections bilang bahagi ng rehabilitation projects para mapagbuti pa ang safety and sevice level ng naturang mass rail system.

Read more...